Pinay patay sa corona virus!
MANILA, Philippines - Isang 41-anyos na Pinay nurse ang nasawi habang isa pa ang nakaratay sa ospital matapos tamaan ng nakahahawa at nakamamatay na sakit na Middle East respiratory syndrome-corona virus (MERS-COV) sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, bago nasawi noong Agosto 29 ang naturang Pinay ay nilagnat siya hanggang sa mag-positibo sa corona virus base sa kanyang medical report.
Nauna rito, na-admit sa ospital ang Pinay matapos na matinik sa lalamunan at nailabas din sa ospital noong Agosto 14. Matapos ang limang araw, siya ay nilagnat at inubo hanggang sa magkaroon ng respiratory distress at inilagay sa ventilator noong Agosto 22. Lumipas ang dalawang araw, nakitaan siya ng matinding pnuemonia kaya agad na inilipat sa intensive care unit (ICU) subalit hindi na nakarekober at nasawi matapos ang pitong araw.
May kasabay din siyang Pinay na nag-positibo sa MERS-COV. Ang pasyente ay isinugod umano ng kanyang employer sa ospital para sa dialysis at na-infect o nakuha ang kanyang sakit na corona virus habang naka-confine sa ospital. Bumubuti na umano ang lagay ng nasabing ikalawang Pinay.
“They should seek medical attention if they feel any of the disease’s symtoms which include, fever, cough, shortness of breath and even diarrhea,†panawagan naman ng DFA sa lahat ng Pinoy sa Saudi.
- Latest