P581 M ‘kickback’ nina Enrile, Jinggoy, Bong

MANILA, Philippines - Umaabot sa P581 milyon ang kinita umano nina dating Senate President Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ito ang lumilitaw sa record ng kasong  isinampa ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) kung saan tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima na mas marami pang mambabatas na masasampahan ng kaso sa mga susunod na araw.

Si Enrile ay may kickback umano na P172,834,500 habang si Revilla ay P224,512,500 at P183,793,750 kay Estrada na pawang pasok sa threshold ng kasong plunder na P50 million.

Bukod pa kay Janet Lim-Napoles, kabilang din sa sinampahan ng plunder si dating Rep. Rizalina Seachon-Lanete na umabot ng P108,405,000 ang umano’y ibinulsang PDAF funds habang si dating Rep. Edgar Valdez ay nasa P56,087,500.

Kasong malversation, direct bribery at graft and corrupt practices kina dating Rep. Rodolfo Plaza na nasa P42,137,800 ang kickback, Rep. Samuel Dangwa na ibinulsa rin umano ang P26,770,472 mula sa PDAF allocations na P54 million; at si dating Rep. Constantino Jaraula na tinangay umano ang nasa P20,843,750 ng kanyang PDAF allocations na P50.5 million batay pa rin sa NBI findings.

Kabilang din sa dawit ang mga chief of staff ng mga mambabatas na sina Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes ni Enrile, Richard Cambe ni Revilla, Ruby Tuazon nina Enrile at Estrada, Pauline Labayen ni Estrada, Jose Sumalpong at Jenanette de la Cruz ni Lanete, Erwin Dangwa at Carlos Lozada ni Dangwa.

Isinangkot din ang mga dating opisyal ng mga implementing agencies at mga namumuno sa NGOs ni Napoles.

Show comments