Ulat panahon

MANILA, Philippines - Ang Metro Manila at ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Gitnang Luzon at CALABARZON at ang lalawigan ng Mindoro ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi. Katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na hangin mula sa timog-kanluran hanggang timog ang iiral sa Luzon at ang baybaying dagat nito ay magiging katamtaman hanggang sa kung minsan ay maalon. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula naman sa timog-kanluran ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Ang araw ay sisikat ganap na 5:44 ng umaga at lulubog ng 5:57 ng hapon.

 

Show comments