MANILA, Philippines - Tulala at nanghihingi ng makakain nang matagpuan ang isang 21-anyos na dalaga na may tatlong buwan nang nawawala mula sa Kaliraya, Quezon City.
Ang biktimang itinago sa pangalang “Isang†ay nakipag-eyeball umano sa ka-textmate nito na kiÂnilalang si Milbert Roxas, 41, sa Sampaloc, Maynila.
Hindi na umano pinaÂkawalan ng suspect ang dalaga na napusuan ng huli dahil sa mga pamboÂbola hanggang sa magÂsama ang dalawa.
Pinagbabantaan umano ng suspect na papatayin ang dalaga kung iiwan siya nito hanggang sa tumagal silang magkaÂsama ng walang pera at namalimos na lamang.
Ikinatuwa naman ng mga magulang ng dalaga ang kanilang pagkikita kahit nanlilimahid at maÂdungis ang anak, na tulala dahil sa gutom.
Kamakalawa namataan ang biktima at suspect ng mga residente ng San Antonio St. sa San Andres Malate, Maynila na nanghihingi ng makakain bandang alas-12:00 ng tanghali, na inireport ni Chairman Renato Mendoza ng Brgy. 723 Zone 79.
Pinagdudahan ng mga tagaroon ang presensiya ng dalawa na hindi nila kilala kaya ipinahuli sa baÂrangay bago dinala sa himpilan ng pulisya.
Nang beripikahin, lumiÂtaw na ang dalaga ay maÂtagal nang naka-blotter sa MPD-Headquarters sa Children and Women’s Protection Investigation Section na nawawala.
Nakapiit na sa MPD-Malate Police Station 9 ang suspect na sasampahan ng kidnapping.