MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal sa Department of Justice ang Cebu-based trader na si Gemma Aida T. Belarma na may-ari ng Melma Enterprises, consignee ng hot rice mula sa Vietnam.
Si Belarma ay luÂmabag sa Section 101 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines.
Batay sa record ng ahensiya na tinangka ni Belarma na ipuslit ang 96 twenty-footer container vans ng bigas galing Vietnam na nagkakahalaga ng P63,897,600.00.
Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy BiaÂzon, na pinadaan ni Belarma ang kanyang rice shipment sa Port of Cebu noong March 2013 matapos ideklarang granite slabs, granite tiles, stone slabs and wall insulators ang kanyang kargamento upang makaiwas sa pagbabayad ng import permit.
Sa ilalim ng batas, lahat ng importasyon sa bigas ay saklaw ng import permits mula sa National Food Authority (NFA).
Sa kabuuan, umaabot na sa 147 ang bilang ng mga kinakasuhan ng smuggling sa DOJ sa termino ni Pangulong Aquino.