^

Bansa

Trader kinasuhan sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal  sa Department of Justice ang Cebu-based trader na si Gemma Aida T. Belarma na may-ari ng Melma Enterprises, consignee ng hot rice mula sa Vietnam.

Si Belarma ay lu­mabag sa Section 101 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines.

Batay sa record ng ahensiya na tinangka ni Belarma na ipuslit ang 96 twenty-footer container vans ng bigas galing Vietnam na nagkakahalaga ng P63,897,600.00.

Sinabi ni Customs Commissioner Ruffy Bia­zon, na pinadaan ni Belarma ang kanyang rice shipment sa Port of Cebu noong March 2013 matapos ideklarang granite slabs, granite tiles, stone slabs and wall insulators ang kanyang kargamento upang makaiwas sa pagbabayad ng import permit.

Sa ilalim ng batas, lahat ng importasyon sa bigas ay saklaw ng import permits mula sa National Food Authority (NFA).

Sa kabuuan, umaabot na sa 147 ang bilang ng mga kinakasuhan ng smuggling sa DOJ sa termino ni Pangulong Aquino.

BELARMA

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AIDA T

MELMA ENTERPRISES

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANGULONG AQUINO

PORT OF CEBU

SI BELARMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with