MANILA, Philippines - Ikinabahala ni Senator Grace Poe ang mabilis na pagdami ng kaso ng diabetes sa mga bata at mga teenagers na banta sa kalusugan ng mamamayan.
Bunsod nito kaya inihain niya ang Senate resolution no. 236 upang magpatupad ng comprehensive assessment upang malabanan ang pagdami ng diabetes cases sa mga batang Pinoy.
“The prevalence of diabetes among adults in the last 10 years is very alarming, and it is now becoming widespread among children today,†paliwanag pa ng mambabatas.
Sa pamamagitan ng kanyang resolusyon ay hiniling niya ang rebyu o amyenda sa National Diabetes Act upang lalong malabanan ang sakit na diabetes na patuloy ang pagkalat sa mga kabataan.
Sa datos ng Philippine Diabetes Association ay apektado na ang mga bata sa elementary at high school ng sakit ng diabetes habang tinataya ng Philippine Society of Pediatric Metabolism and Endocrinology na nasa 8 percent ng mga batang Filipino ay diabetic.