Ex-Solgen Frank Chavez pumanaw sa edad 66
MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating Solicitor General Frank Chavez sa edad na 66, matapos na ma-stroke at ma-confine sa The Medical City sa Pasig City kamakalawa ng gabi.
Kinumpirma ni Jean Chavez, asawa ng batikang abogado, ang pagpanaw ni Chavez dakong alas-10:20 ng gabi. Na-cremate na kahapon ng alas-2:00 ng madaling araw ang labi ni Chavez.
Ayon sa anak ni Chavez na si Stephanie, Hulyo pa nang i-confine ang ama sa ospital dahil sa lymphoma.
Sa gitna ng pagpapaÂgamot, nagkaroon aniya ng mga komplikasyon kabilang ang stroke na ikinamatay nito.
Pinakahuling kaso na hinawakan ni Chavez ang child custody case ni Kris Aquino para sa anak niya sa basketbolistang si James Yap.
Nakilala si Chavez matapos personal na pillin ni dating Pangulong Corazon C. Aquino upang maÂging pinuno ng Office of the Solicitor General (OSG) na noo’y humahabol ng mga kaso laban sa dating Pangulong Ferdinand Marcos at kanilang mga kaalyado.
Ipinanganak siya noÂong Pebrero 6, 1947 sa Bateria, Sagay, Negros Occidental.
Nag-aral siya ng high school sa University of Negros Occidental-RecoÂletos at nagtapos bilang salutatorian. Kumuha siya ng kurso sa West Negros College sa Bacolod City para sa kaniyang kolehiyo. Noong 1971 ay nagtapos siya biÂlang cum laude sa UP para sa kaniyang Bachelor of Laws degree. Isang taon matapos ang pagtatapos sa abogasya ay pumasa agad siya sa Philippine Bar.
Sa kaniyang pagtataÂpos ng serbisyo sa gobÂyerÂno, naging private lawyer ito kung saan humawak siya ng ilang kilalang kaso, katulad na lamang ng isinampang plunder charges laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
Ang abo ni Chavez ay dinala sa San Antonio Church sa Forbes Park at ililibing sa Linggo sa HeriÂtage Park.
- Latest