Rice smugglers tukoy na

MANILA, Philippines - Natukoy na ng intelligence community ang mga umano’y smuggler na nagmamanipula sa presyo at suplay ng bigas makaraang salakayin ang isang barko na may kargang P15 bilyon ha­laga ng bigas na ipinuslit mula sa Vietnam.

Sinalakay kamakalawa ng gabi ng PNP-In­telligence Group ang barkong Komatse star na nakadaong sa Manila Bay.

Nakumpiska dito ang 1.6 milyong sako ng bigas na nagkakahalaga ng P15 bilyon subalit sa hindi umano malamang dahilan ay hindi pa inilalabas ang ulat sa nasabing ope­ rasyon.

Sa barkong Komatse star umano nire-repack ang mga smuggled na bigas para ilipat ito sa mga sako na magmumukhang ‘commercial rice.’

Isang alyas Yang o Alex S ang kontak umano ng grupo sa BOC para lutuin ang lahat ng ‘documentary requirements’ ng mga sikwat na bigas.

Sinabi ng mga operatiba na humiling na huwag banggitin ang pangalan na ang ilang personalidad na nasa likod ng tangkang pagpuslit ng bigas ay isang mataas na opisyal sa Bureau of Customs na sinasabing nakipag-meeting sa umano’y big-time smuggler kasama ang trusted person na sina alyas Ariel, Bong at isang Eldon.

Pilit umanong ginugulo ng grupo ang industriya ng bigas sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mali-maling impormasyon sa media para mapuwersa ang NFA na pagbigyan ang importasyon ng nasabing produkto.

Ang grupo ring ito ang nasa likod umano ng pagpapakalat ng maling text messages kamakailan na nagsasabing may ipi­namimigay na NFA rice sa ilang pampublikong pa­ milihan na nagdulot ng malaking kalituhan sa mga mamimili.

Samantala, sinabi ni NFA Administrator Orlan Calayag na bumaba na ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Tiniyak din ng opisyal na walang mangyayaring pagtaas ng presyo o ilihis ito saka ibebenta bilang commercial rice dahil mayroon na silang monitoring teams na magmamanman dito.

Nagbabala rin ang NFA na hindi sila mangi­ngiming kasuhan ng economic sabotage ang mga mapapatunayang magmamanipula sa presyo ng bigas. (Butch Quejada/Ricky Tulipat)

 

Show comments