MANILA, Philippines - Ang Kabikulan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na kalaÂngitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-kanluran hanggang kanluran ang iiral sa Palawan, Kabisayaan at Mindanao at mula naman sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Ang araw ay sisikat 5:44 ng umaga at lulubog 6:00 ng gabi.