^

Bansa

Pinay nag-collapse sa Syria, patay!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na Pinay ang nasawi sa kasagsagan ng ipinatutupad ng pamahalaan na sapilitang paglilikas sa mga OFWs sa Syria.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa report ng Honorary Consul sa Aleppo ang pagkamatay ng nasabing Pinay na nagtatrabaho sa siyudad ng Alleppo noong Setyembre 7.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, walang kinalaman sa nagaganap na bakbakan sa Syria ang pagkasawi ng Pinay na hindi pa pinangalanan at sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya at Syrian Coroner’s Office ay natural death ang naging sanhi nito at walang senyales ng foul play.

Nabatid na habang nasa trabaho, bigla na lamang umanong nag-collapse o bumagsak ang Pinay at nagawa pang maisugod sa pagamutan subalit hindi na siya umabot pang buhay.

Inaasikaso na ng Embahada ng Pilipinas ang repatriation sa mga labi ng nasabing OFW habang nakikipag-ugnayan na sila sa kaanak nito upang ipabatid ang kanyang sinapit sa Syria.

ALEPPO

ALLEPPO

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

HONORARY CONSUL

INAASIKASO

PINAY

SYRIAN CORONER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with