5 tulak-droga arestado

BULACAN, Philippines – Lima-katao na sinasabing nagtutulak ng bawal na droga ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkahiwalay na ope­rasyon sa Meycauayan City at Hagonoy, Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Albert Nicolas ng Brgy. Caingin, bayan ng Bocaue; Edris Guinal, Ruben Royales na kapwa nakatira sa Doña Josefina Village sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City; Jose Bautista ng Brgy. Sagrada Familia; at si Ramiro Batungbakal ng Brgy. San Agustin, bayan ng Hagonoy.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Supt. Rafmil Corpuz, nasamsam kay Nicolas ang 4-plastic sachet ng shabu habang sina Guinal at Royales ay naaresto  sa parking area ng supermarket sa Brgy. Malhacan kung saan nasamsam sa kanila ang P.2 milyong halaga ng shabu.

Samantala, sina Bautista at Batungbakal ay nasakote naman sa bahagi ng Brgy. Sagrada Familia, Hagonoy kung saan nasamsaman ang 28-plastic sachet ng shabu­.

 

Show comments