MANILA, Philippines - Isinulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong makapag-aral ng libre sa ibang bansa ang mga kasalukuyan nang nagtatrabaho sa Pilipinas upang mas gumaling pa sila at mas maging kapaki-pakinabang sa iba’t ibang industriya.
Sa Senate Bill No. 204 na inihain ni Senator Edgardo “Sonny†Angara na tatawaging “Pensionado Actâ€, bibigyan ng pagkakataon ang mga magagaling at “highly motivated employed Filipinos†na makakuha ng scholarship sa ibang bansa kung saan bibigyan pa sila ng bayad habang nag-aaral.
Ayon kay Angara, dapat magkaroon ang Pilipinas ng mga “highly trained leaders†para sa industriya, research at academe.
Kapag ganap na naging batas, 24 na mamamayan taun-taon ang pipiliin sa pamamagitan ng isang panel na kabibilangan ng tatlong university presidents, dalawang kilalang miyembro ng academe na itatalaga ng Commission on Higher Education.
Upang maging kuwalipikado sa fellowship program, ang aplikante ay dapat Filipino citizen, empleyado ng gobyerno o pribadong sektor o kaya ay self-employed at nakatapos ng may honor sa kolehiyo.
Dapat ding nakapagpakita ng ugali ng isang magaÂling na lider ang aplikante at “exceptional performance†sa kanyang trabaho. Ang mga mapipili ay sususportahan ng gobyerno at tatawaging mga “pensionadosâ€.
Kabilang sa mga matatanggap ng mapapalad na aplikante ang isang taong leave na may bayad kabilang na ang allowances at mga benepisyo; round-trip airfare mula sa Pilipinas at sa pupuntahang bansa; clothing allowance; monthly stipend; books a research allowance; at health, travel at insurance fees.