^

Bansa

Batas sa libreng pag-aaral sa abroad isinulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong makapag-aral ng libre sa ibang bansa ang mga kasalukuyan nang nagtatrabaho sa Pilipinas upang mas gumaling pa sila at mas maging kapaki-pakinabang sa iba’t ibang industriya.

Sa Senate Bill No. 204 na inihain ni Senator Edgardo “Sonny” Angara na tatawaging “Pensionado Act”, bibigyan ng pagkakataon ang mga magagaling at “highly motivated employed Filipinos” na makakuha ng scholarship sa ibang bansa kung saan bibigyan pa sila ng bayad habang nag-aaral.

Ayon kay Angara, dapat magkaroon ang Pilipinas ng mga “highly trained leaders” para sa industriya, research at academe.

Kapag ganap na naging batas, 24 na mamamayan taun-taon ang pipiliin sa pamamagitan ng isang panel na kabibilangan ng tatlong university presidents, dalawang kilalang miyembro ng academe na itatalaga ng Commission on Higher Education.

Upang maging kuwalipikado sa fellowship program, ang aplikante ay dapat Filipino citizen, empleyado ng gobyerno o pribadong sektor o kaya ay self-employed at nakatapos ng may honor sa kolehiyo.

Dapat ding nakapagpakita ng ugali ng isang maga­ling na lider ang aplikante at “exceptional performance” sa kanyang trabaho. Ang mga mapipili ay sususportahan ng gobyerno at tatawaging mga “pensionados”.

Kabilang sa mga matatanggap ng mapapalad na aplikante ang isang taong leave na may bayad kabilang na ang allowances at mga benepisyo; round-trip airfare mula sa Pilipinas at sa pupuntahang bansa; clothing allowance; monthly stipend; books a research allowance; at health, travel at insurance fees.

vuukle comment

ANGARA

AYON

DAPAT

HIGHER EDUCATION

PENSIONADO ACT

PILIPINAS

SA SENATE BILL NO

SENATOR EDGARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with