MANILA, Philippines - Namumurong pumasok sa bansa ang sama ng panahon sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong Sabado.
Ayon kay Gladys Saludes, weather forecaster, patuloy ang paglapit sa bansa ng naÂturang low pressure area (LPA) pero hindi naman ito agad mararamdaman gayunman, malaki pa rin ang tsansa na lumakas ito at maging bagong bagyo na papangalanang Odette.
Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon, matapos ang mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw.
Maulap naman ang kalangitan sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa mga nagsasalubong na ulap mula sa Pacific Ocean at West Philippine Sea.