Ulat Panahon

MANILA, Philippines - Ang Metro Manila, Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan at Min­danao ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang natitirang bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Silangan hanggang Timog-Silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa Timog hanggang Timog-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.

Ang araw ay sisikat ng 5:44 ng umaga at lulubog dakong 6:05 ng gabi.

 

Show comments