Malversation vs 12 execs ng Camp John Hay ibinasura ng DOJ
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang 50 sa 52 kasong Malversation of Public Funds na isinampa ng pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na si Arnel Casanova laban sa 12 executives at officers ng Camp John Hay Development Corporation (CJHDevCo), ang developer ng dating rest and recreation base ng mga sundalong Amerikano at CJH Hotel dahil sa kakulangan umano ng sapat na basehan.
Sa resolusyon ni ProÂsecution Attorney Omar Cris Casimiro at inaprubahan ni Senior State Prosecutor Richard Fadullon, idinismis ang reklamo dahil sa ‘lack of evidence’ laban kina CJHDevCo directors William Russell Sobrepena, Atty. Enrique A. Sobrepena, Jr., Rafael Perez de Tagle Jr., Amb. Raul Goco, Atty. Silvestre Bello III, Noel Carino, Bobby Cafe, Dennis Ignacio and officers Gulshan Bedi and Atty. Manuel Ubarra Jr. at CJH Hotel officers Ramon Cabrera at Heinrich Maulbecker.
Inakusahan ni Casanova ang mga respondents ng pagkakamal ng pondo nang itago nito ang rental income ng 26 hotel rooms na pinangangasiwaan ng CJHDevCo na pinalitan ang pangalan na Forest Lodge. Nais ni Casanova na agad i-turn over ang nasabing hotel rooms mula sa CJHDevCo pabalik sa BCDA.
Sa kautusan ng DOJ, walang merito ang akusasyon at sa halip ay pinagtibay pa nito ang legalidad ng umiiral na Leaseback Agreement na pirmado ng BCDA dahil hindi pa naman paso ang 15-year lease period.
Sa isyu naman ng rental income sa hotel rooms batay sa mga isinumiteng ebidensiya ng magkabilang panig, lumaÂlabas na ang pagkalugi ng CJHDevCo sa pagpapatakbo ng hotel ay dahil na rin sa hindi pagbibigay ng BCDA ng permit kaya walang malversation dahil hindi naman kumita.
- Latest