IRR ng K-12 pirmado na
MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy na ang implementasyon ng Kto12 Basic Education Program ng pamahalaan matapos lagdaan kahapon ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act of 2013.
Sa signing ceremony sa Don Alejandro RoÂces National High School sa Quezon City, kumpiÂyansang inihayag nina Education Secretary Armin Luistro, CHEd Chairperson Patricia Licuanan at TESDA director general Joel Villanueva, na sa tulong ng K-12 program ay aangat ang kalidad ng mga mag-aaral na magtatapos ng high school dahil mahahasa nang husto ang talino at talento ng mga ito.
Sa ilalim ng programa, malilinang rin ng husto ang mga kakayahan ng mga estudyante sa Grade 11 at 12 kung saan maari na silang pumasok sa trabaho o makapagsimula ng hanapÂbuhay pagka-graduate pa lamang ng high school.
Ang mga kukuha naman ng technical at vocational courses ay maaring magpatuloy sa kolehiyo sa sandaling makaipon ng pera mula sa pinasukang trabaho na siyang pantustos sa napiling kurso sa higher education.
Ganap na ipapatupad ang programa sa taong 2016.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Aquino ang RA 10533 noong Mayo 15.
- Latest