MANILA, Philippines - Dapat munang magbakasyon ang mga mam babatas na nasasangkot sa pork barrel scam.
Ito ang iminumungkahi ni Ahapo partylist Rep. Silvestre Bello bilang paraan na rin upang paniwalaan ng taong bayan ang sinseridad ng mga nasasangkot sa naÂturang isyu at maimbesÂtigahan ito ng lubusan.
Isinasantabi naman ni Bello ang posibilidad na magkaroon ng problema sa quorum ang Kamara kung magli-leave ang lahat ng mga nasasabit sa pork barrel scam.
Duda naman si MinoÂrity leader Ronaldo Zamora na magreresulta sa conviction ni Janet Lim Napoles at iba pang sangkot sa imbestigasyon sa naturang isyu, ito ay dahil sa sobrang bagal ng gobyerno na magsampa ng kaso sa korte.
Iginiit naman ni ZaÂmora na walang masama kung makipag-deal ang gobyerno kay Napoles kung para ito sa ikatitibay ng kasong maisasampa sa korte subalit kailangan naman bilisan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito upang maipakita sa taong bayan na seryoso sila laban dito.