^

Bansa

Solons sa ‘pork’ pinagbabakasyon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat munang magbakasyon ang mga mam­ babatas na nasasangkot sa pork barrel scam.

Ito ang iminumungkahi ni Ahapo partylist Rep. Silvestre Bello bilang paraan na rin upang paniwalaan ng taong bayan ang sinseridad ng mga nasasangkot sa na­turang isyu at maimbes­tigahan ito ng lubusan.

Isinasantabi naman ni Bello ang posibilidad na magkaroon ng problema sa quorum ang Kamara kung magli-leave ang lahat ng mga nasasabit sa pork barrel scam.

Duda naman si Mino­rity leader Ronaldo Zamora na magreresulta sa conviction ni Janet Lim Napoles at iba pang sangkot sa imbestigasyon sa naturang isyu, ito ay dahil sa sobrang bagal ng gobyerno na magsampa ng kaso sa korte.

Iginiit naman ni Za­mora na walang masama kung makipag-deal ang gobyerno kay Napoles kung para ito sa ikatitibay ng kasong maisasampa sa korte subalit kailangan naman bilisan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito upang maipakita sa taong bayan na seryoso sila laban dito.

AHAPO

DAPAT

DUDA

IGINIIT

ISINASANTABI

JANET LIM NAPOLES

RONALDO ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with