MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senator Miriam Defensor-Santiago na maaring magpatuloy ang trabaho ng Senado kahit pa kalahati ng bilang mga senador ay makulong dahil sa kasong plunder matapos masangkot sa P10 bilÂyong pork barrel scam.
Sigurado si Santiago na may mga senador na makakasuhan at hindi maaaring makapag-piyansa ang mga ito dahil ‘non-bailable†ang kasong plunder. At kahit pa 12 o anim na senador na lamang ang matira sa Senado ay maari pa rin silang magtrabaho.
Mismong si Santiago umano ay nagtataka kung bakit kinakailangang 24 ang bilang ng mga seÂnador.
Pero aminado rin ito na magkaka-problema sila kapag kinakailangang mag-ratipika ng isang treaty dahil kinakailangan ng boto ng 16 na senador.
Iginiit pa ni Santiago na kung siya ang Presidente dapat aksiyunan nito ang problema matapos ang ipinakitang pagkadismaya ng taumbaÂyan sa isinagawang rally sa Luneta.
Nagbiro pa si Santiago na mamatay na ang mga senador na sangkot sa pork barrel scam.
Mas makakabuti rin umanong mag “hara-kiri†na lamang ang mga ito.
Napaulat na posibleng umabot sa siyam ang mga senador na mapapangalanan sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee kung saan muling haharap ang kinatawan ng Commission on Audit.