MANILA, Philippines - Inutos ni National CaÂpital Regional Police Office (NCRPO) Regional Director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., na pairalin ang “status quo†sa mga lugar sa Taguig na inaangkin ng Makati City.
Sa kanyang direktiba, sinabi ni Garbo na mananatili sa hurisdiksyon ng Taguig Police ang Bonifacio Global City (BGC) kasama ang Fort Bonifacio hanggang walang pinal na desisyon ang hukuman sa usapin ng kung anong lungsod ang nakasasakop dito.
Paglilinaw ito ng NCRPO matapos maÂkailang ulit na pinasok ng mga kawani ng Makati City government ang mga nasasakupang lugar ng Taguig tulad ng Palar Village at maging ang BGC.
Para kay Taguig Chief of Police Sr. Supt. Arthur Felix Asis, isang welcome development ang ipinalabas na direktiba ng NCRPO.
Una rito ay personal na hiniling ni Mayor Junjun Binay kay Chief Supt. Jose Erwin Villacorte na agad na isalin sa Makati ang hurisdiksyon ng BGC na tanging financial district ng Taguig at pinanggagaÂlingan nang ipinantutustos nito sa mga programa ng lokal na pamahalaan ng Taguig.
Ang posisyon ng NCRPO sa usapin ay pareho sa posisyon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Paulit-ulit na nanaÂnawagan si Mayor Lani Cayetano kay Mayor Binay na maghinay-hinay habang hindi pa natutuldukan ang kaso kasabay nang pakiusap na maging responsable at huwag isubo sa posibleng kapahamakan ang kanyang mga tauhan.
Sinabi ni Mayor Lani na ikinatutuwa niya ang ipinalabas na desisyon ni NCRPO Chief Director Garbo dahil nagawa nitong linawin sa hanay ng pulisya kung kaninong hurisdiksyon ang BGC at ang Fort Bonifacio.