MANILA, Philippines - Nakalusot na sa SeÂnate Committee on Local Government na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos ang panukalang ipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa Oktubre 28, 2013 kasabay ng Barangay elections.
Mas pinaboran ng mga miyembro ng komite ang panukala upang makapagsulong ng reporma na kinakailangan para mas maging kapaki-pakinabang ang SK.
Nilinaw ni Marcos na hindi niya layunin na buwagin ang SK at sa halip ay papalakasin pa ito sa pamamagitan ng mga isusulong na reporma.
Nauna ng sinabi ng Comelec na ipagpapatuloy pa rin nila ang paghahanda para sa SK elections hangga’t walang naipapasang batas ang Kongreso tungkol sa pagpapaliban nito.