^

Bansa

Retirement age, gagawing 55

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinusulong ng isang mambabatas na ibaba ang mandatory retirement age para sa mga empleyado ng gobyerno na mula sa dating 65 ay planong gawing 55-taong gulang.

Sa inihaing House Bill 242 ni Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, iginiit nito na sa pamamagitan ng nasabing panukala ay maitatama ang mabagal na manpower turn over sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ipinaliwanag pa ng mambabatas na batay sa mga pag-aaral, ang isang taong nasa edad 50 na ay mas bumagal na ang pagkilos at mahina na sa pag-adapt sa mga makabagong teknolohiya.

Ang pagbaba ng retirement age ang nakikitang solusyon ni Zamora para mapataas ang productivity at mapababa naman ang unemployment rate sa bansa.

Giit pa ng mambabatas, sa pamamagitan ng maagang  pagreretiro ay mas ma-e-enjoy rin ng mga ito ang mga benepisyong tatamasahin sa matagal na pagsisilbi  sa gobyerno.

 

COMPOSTELA VALLEY REP

GIIT

GOBYERNO

HOUSE BILL

IPINALIWANAG

ISINUSULONG

MAMBABATAS

MARIA CARMEN ZAMORA

ZAMORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with