MANILA, Philippines - Umapela si House Speaker Feliciano Belmonte sa publiko na huwag agad husgahan ang mga kongresista na nasasabit ang pangalan sa pork barrel scam, sa halip ay pakinggan ang panig ng mga ito.
Sinabi ni Belmonte, hindi lahat ng sangkot sa natuÂrang eskandalo ay ‘guilty’ kung saan inihalimbawa nito ang isang kongresista na nagpaliwanag sa kanya na peke ang pirma nito sa ilang transaksyon na nagresulta sa pagbibigay ng pondo sa ilang Non Government Organization (NGO).
Bagamat hindi nito pinangalanan ang kongresista, nilinaw ni Belmonte na nagpakita ito ng mga dokumento na nagpapatunay na napeke ang kanyang lagda.
Para naman kay Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento, may karapatan din silang mga kongresista sa ‘due process’.
Matatandaan na isa sa mga nadadawit sa pork barrel scam ay ang stalwart din ng LP na si House Appropriations Committee chairman Isidro Ungab subalit dinipensa nito na may sapat siyang ebidensiya na magpapatunay na nailagay sa tamang proyekto ang kanyang pork barrel.