Kaso ng Manila hostage victims vs Phl ibinasura ng HK
MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Hong Kong high court ang kasong inihain ng pamilya at biktima ng madugong hostage drama sa Quirino grandstand sa Manila noong 2010.
Sa ulat ng South China Morning Post, pinawalang-saysay lamang ng Hong Kong Court of First InsÂtance ang kasong isinampa ng dalawang survivors at ina ng isang tour guide na napatay sa Manila hostage crisis laban sa Pilipinas dahil sa “sovereign immunityâ€.
“I strike out the claim against the Republic of the Philippines on the grounds of sovereign immunity,†ayon sa hukom.
Gayunman, bagaman ligtas sa anumang kaso ang Pilipinas, sinabi ni Justice Mohan Bharwaney na maaari namang ituloy na kasuhan ang walong opisyal na idinidiin na nagpabaya at responsable sa palpak at madugong hostage crisis.
Nitong nakalipas na linggo ay naghain ng reklamo sina Lee Mei-chun, ina ng napaslang na tour guide na si Masa Tse Ting-chunn at survivors na sina Yik-Siu-ling at Joe Chan Kwok-chu upang makakuha ng kompensasyon at hustisya dahil sa inabot umanong pinsala at pagkawala ng mahal nila sa buhay laban sa Pilipinas at mga opisyal kabilang si dating Manila Mayor Alfredo Lim.
- Latest