MANILA, Philippines - Kinondena ni ArcÂhÂbishop Emeritus Oscar Cruz ang nabunyag na maging mga lokal na opisÂyal ng Makati at Pasay ay mayroon ding bersyon ng pork barrel na patunay umano na maging mga bagitong pulitiko ay nalaÂlantad na rin sa korupsyon.
Ayon kay Cruz, ang pagbibigay ng pork barrel ay umabot na sa mga local government officials dahil na rin sa nakikita nito na maling kalakaran ng mga nasa mas mataas na pwesto. Aniya, kung may suhol sa Kongreso ay ganundin naman sa LGUs at ginagawa ito para makuha ang suporta at matiyak ang reelection.
Umapela naman si Cruz kay Pangulong Aquino na panindigan ang tuwid na daan at tuluyan nang iabolish ang pork barrel fund. Inihalimbawa ng arsobispo ang mga konsehal na sa una pa lamang sabak sa pulitika ay sinuhulan na ng pork barrel na kalaunan ay hindi umano makukuntento sa maliit na pondo kaya naman maghahangad ng mas mataas na pwesto sa Kongreso, sa Senado at sa executive post para lalong magpayaman.
Sinuportahan naman ni Cruz si Rep. Lito Atienza sa naging aksyon nito na hindi magpadala sa pakiusap ng kanyang mga konsehal na mabigyan din ng pork barrel gaya ng kalakaran sa ilang lungsod.