MANILA, Philippines - Dahil sa pagharap ng isang surprise witness mas nadiin kahapon sa isyu ng “sex for flight scheme†at tangkang panggagahasa si Assistant Labor Attache Antonio Villafuerte sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing.
Iniharap ng komite ang bagong testigo at dating OFW na si Marvin Karaan na nagpatunay na nakita niya ang kalaswaang ginawa ni Villafuerte sa dating OFW na si Michelle sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar, Saudi Arabia.
Dating driver sa Saudi Arabia si Marvin na umalis din sa kanyang employer dahil sa hindi nito pagtupad sa kontrata na nilagdaan sa Pilipinas at pansamanÂtalang nanuluyan at naging taga-linis sa POLO office.
Isinalaysay ni Marvin na nakita niya ang ginawang paghawak sa kamay, paghila at paghalik ni Villafuerte sa leeg ni Michelle na bigla umanong pumasok sa isang silid at pagkatapos ng nasa tatlong minuto ay lumabas ang biktima.
Sa mga unang pagdinig ng komite ay isinalaysay ni Michelle na tinangka siyang gahasain ni Villafuerte.
Bukod pa sa tangkang rape, tinangka pa umanong ibugaw ni Villafuerte sa kaibigan nitong Egyptian recruiter ang biktima niya.