Napoles ‘di pwedeng state witness – Miriam
MANILA, Philippines - Hindi maaring gawing state witness si Janet NaÂpoles, ang pangunaÂhing suspek sa P10 bilÂyon pork barrel funds scam kung saan nalustay ang pondo ng bayan sa mga ghost projects ng mga pekeng non-governÂment organizations (NGOs).
Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, may limang requirements para maging state witness ang isang akusado kung saan hindi ito dapat ang “most guilty†sa kiÂnakaharap na paglilitis.
Sinabi ni Santiago na mahirap mapatunayan na hindi “most guilty†si Napoles na sinasabing naÂging daan para mapunta sa mga pekeng NGOs ang pork barrel funds ng ilang senador at congressmen.
Iginiit din ni Santiago na kung magdedesisÂyon ang Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council na sampahan ng plunder si Napoles at mga tauhan nito, dapat ay sampahan din ng kasong plunder ang limang senador at 23 congressmen na pinangalanan sa media base sa mga affidavits ng mga emple yado ni Napoles.
Inisa-isa ni Santiago ang limang requirements para maging state witness ang isang akusado base sa umiiral na Rules of Court.
Kabilang dito ang “ab solute necessity†para sa testimonya ng akusado; walang ibang direct eviÂdence na maaring magamit ang prosekus yon kaugnay sa nang yaring krimen maliban sa testimonya ng akusado; ang testimonya ng akusado ay maaring masuportahan ng material points; hindi ang akusado ang “most guiltyâ€; at hindi sumasailalim ang akusado sa imbestigasyon kaugnay sa “moral turpitudeâ€
Ipinunto rin ni Santiago na sa kaso ni Napoles, ito ang lumalabas na mastermind kaya siya ang maituturing na “most guiltyâ€.
- Latest