^

Bansa

Local officials may PDAF din?

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Buhay Rep. Lito Atienza na maging mga konsehal, Vice Mayor at Ma­yor ng Makati at Pasay ay tumatanggap umano ng PDAF na aabot sa P10 hanggang 30M kada taon.

SInabi ni Atienza na nang ito ay alkalde ng Maynila ay humihiling ang kanyang mga konsehal at Vice mayor na mabigyan din ng pork barrel fund gaya ng patakaran na ipinatutupad sa nasabing mga lungsod ngunit tinutulan umano nya ito.

“Ang sabi ko sa mga konsehal ko bakit tayo gagaya sa mali, pinanindigan ko noong ako ang mayor na wala dapat na PDAF at ngayong nasa Kongreso na ay ito ang ­ating ipaglalaban na iabolish ang pork barrel,” pahayag ni Atienza.

Base sa impormasyon ni Atienza ay ang lungsod ng Makati umano ang nagbibigay ng pinakamalaking PDAF sa konseho nito noong panahon pa ni Makati Mayor Jejomar Binay hanggang sa pamumuno ng anak nito na si Mayor Junjun Binay.

Samantala, hindi itinanggi ng isang opisyal ng Liberal Party na mayroon ding Prio­rity Development Assistance Fund si Vice President Jejomar Binay na ipinasok o isinama naman sa pondo ng Office of the Vice President na aabot sa P200M kada taon.

Ang pag-amin ay ginawa ng opisyal ng LP subalit tumanggi itong magpabanggit ng pangalan kasunod na rin ng lumabas na report na si Binay bagamat hindi mambabatas o miyembro ng Kongreso o Senado ay nakatatanggap din ng pork barrel.

Una nang itinanggi ni Binay na ang P200M na natatanggap nito mula noong 2011 ay pork barrel kasabay ng paghamon sa Department of Budget and Managenent (DBM) na linawin kung ang nasabing pondo na nakalaan para sa social services sa ilalim ng OVP ay pork barrel at kung ito nga ay pork barrel ay handa nyang iabolish ito.

Tinukoy ng LP source ang una nang lumabas na report ng Philippine Center for Investigative Journalism noong nakaraang taon na nagdedetalye ng pagtanggap ni Binay ng PDAF at kung paano ito nabigyan ng nasabing pondo.

Naisama ang PDAF ni Binay sa pondo ng OVP, sa kabuuang P481.79M umano na budget ng OVP na tumaas ng 260 porsiyento ay P200M dito ay kumakatawan sa PDAF ng Pangalawang Pangulo na maaaring gamitin sa priority programs at projects.

ATIENZA

BINAY

BUHAY REP

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGENENT

DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

INVESTIGATIVE JOURNALISM

KONGRESO

LIBERAL PARTY

LITO ATIENZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with