PDEA nagbabala sa pagkalat ng opium poppy seed sa supermarket at groceries
MANILA, Philippines - Hiniling ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga establisyemento na itigil ang paggamit ng opium poppy seeds sa kanilang menu at produktong ibinibenta sa kanilang mga parukyano.
Aksyon ito ng PDEA, bilang suporta sa hakbang ng Food and Drug Administration (FDA) at makaraang maobserbahan sa ilang mga supermarket at groceries na hayagan pa rin ang pagbebenta ng popular na food dressing at dip product na naglalaman ng opium poppy seeds.
Ang Opium Poppy ( o anumang parte ng halamang nagmumula sa species Papaver somniferum L.; Papaver setigerum DC, Papaver orientale, Papaver bracieatum at Papaver rhoeas), ay kabilang sa 1961 United Nations Single Convention on Narcotic Drugs na inamyendahan ng 1972 protocol.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. noong una, ang poppy seeds ay ginagamit bilang active palliative ingredient sa paggawa ng pastries, salads at iba pang resipe sa paggawa ng cake. At ito ang naging daan para tumaas ang pangangailangan para sa mapanganib na droga na ginagamit bilang ingredient sa pagluluto, partikular sa salad dips at dressings.
Base sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165 ay nagsasaad na may kaparusahan ang pag-import ng mapanganib na gamot o Controlled Precursors at Essential Chemicals na may penalty na habambuhay na pagkakabilanggo at piyansang P500,000.00 hanggang P10,000,000.00, kabilang ang anumang mga species ng opium poppy o parte nito na ginagamit bilang dekorasyon at pagluluto.
“PDEA and the FDA jointly caution food companies not to serve and dispense the poppy seeds, being a dangerous drug simply because the law expressly prohibits it,†sabi pa ni Cacdac.
Pinaalalahanan din ng hepe ng PDEA ang publiko na isuko ang anumang produkto na naglalaman ng poppy seeds sa malapit na PDEA o FDA regional offices.
- Latest