Ex-PNP Chief Razon, 2 pang general sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko na kahapon sa Sandiganbayan sina dating PNP Chief ret. Director General Avelino Razon Jr., at daÂlawa pang dating general ilang oras matapos magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga ito at 29 pang opisyal na isinabit sa kasong graft at malversation of public funds.
Nabatid na walang itinakdang piyansa ang Sandiganbayan laban kina Razon at 32 pang mga opisyal na karamihan ay nagsipagretiro na sa serbisyo. Kasamang sumuko ni Razon sina ret. Deputy Director General Geary Barias at ret. PNP comptroller chief Eliseo dela Paz.
Nitong nakaraang Hulyo, hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na arestuhin si Razon at mga kasamahan nito matapos magkaroon ng “gross violations†sa pag-aaward ng kontrata para sa P358.48M repair at refurbishment ng 28 V-150 light armored vehicles na gamit ng PNP’s Special Action Force at Regional Safety Battalions.
Ipinaaaresto din sina dating PNP National Headquarters-Bids and Awards Committee chair Reynaldo P. Varilla at vice chair Charlemagne S. Alejandrino; dating Logistics Support Service (LSS) Director Teodorico R. Lapuz IV; police officials Victor G. Agarcio, Emmanuel Ojeda at Reuel Leverne B. Labrado; Superintendents Rainier A. Espina; Warlito T. Tubon, Henry Y. Duque, Edgar B. Paatan; Josefina B. Dumanew; Analee R. Forro; Victor M. Puddao at Alfredo M. Laviña.
Kasong criminal naman ang naisampa sa mga suppliers na sina Artemio B. Zuñiga, Gigie Marpa, Marianne Jimenez, Oscar Madamba, Carmencita Salvador, Rasita Zaballero, Harold and Tyrone Ong, Pamela Pensotes at Evangeline Bais.
- Latest