Mga Biktima ng Bagyong ‘Maring’, tinulungan ng PCSO
MANILA, Philippines - Tuloy ang tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga biktima ng pananalanta ng bagyong Maring sa pamamagitan ng pagbigay ng hospitalization assistance at pamamahagi ng relief goods sa mga lugar na lubhang apektado ng bagyo.
Ayon kay PCSO Chairman Margarita P. Juico, “Maaring hindi ito naaalala ng publiko, ngunit dati nang alituntunin ng kasalukuyang PCSO Board of Directors ang sagutin ang bayarin ng mga pasyenteng direktang naapektuhan ng mga kalamidad, na nagpapagamot sa mga ospital at healthcare center ng gobyerno.â€
Ang alituntuning ito ay ipinatutupad tuwing panahon ng kalamidad, tulad ng bagyong Sendong, Pablo, at Habagat 2012, landslide sa Compostela Valley, at iba pa.
Ayon kay PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, “sa charter ng ahensiya, ang Republic Act. No 1169, na nagma-mandato sa PCSO na magbigay ng tulong sa mga ‘charities of national character.â€
Bukod sa hospitalization assistance, namimigay rin ang PCSO ng relief goods. “May mga 75,000 Family Emergency Medicine (FEM) kits ang naÂpaÂmigay,†ani Rojas.
“Isang evacuation center sa Imus, Cavite, ang isa sa mga lugar na unang natulungan, kung saan may 177 pamilya o 758 katao. Ang laman ng FEM kit ay mga gamot para sa mga karaniwang sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon at pagtatae.
Nakikipag-ugnayan rin ang PCSO sa National Food Authority para sa pagbili ng 1,000 sako ng bigas na ipamimigay sa iba’t ibang mga evaÂcuation centers sa bansa. Mayroon din 1,000 set ng kumot, banig, at kulambo na ipamimigay.
- Latest