Bagyong ‘Nando’ nananatili sa kanyang lakas

MANILA, Philippines - Nananatili sa kanyang lakas ang bagyong ‘Nando’ habang ito ay kumikilos pahilagang kanlurang direksiyon.

Alas-11:00 ng umaga kahapon, si ‘Nando’ ay namataan ng PAGASA sa layong 480 kilometro silangan ng  Baler, Aurora  taglay ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Si ‘Nando’ ay kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na  15 kilometro bawat oras.

Bunsod nito, ang bagyo ay nakataas sa signal number 1 sa Batanes Group of Islands, Cagayan kasama na ang  Calayan Babuyan Group of Islands.

Ngayong Martes, si ‘Nando’ ay inaasahang nasa layong 270 kilometro silangan ng Tuguegarao, Cagayan at sa Miyerkules ay nasa layong 150 kilometro hilagang silangan ng  Basco, Batanes at sa Huwebes ng umaga ay inaasahang nasa layong 460 kilometro hilaga ng Basco, Batanes o nasa layong 40 kilometro silangan ng  Northern Taiwan.

 

Show comments