^

Bansa

‘Nando’ pumasok na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ganap ng isang bagyo kahapon ang namumuong sama ng panahon na namataan sa silangan ng Dinagat Islands at tinawag itong Nardo.

Ayon sa Pagasa, si “Nardo” ay ikaapat ng bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan at ika-14 ngayong taon na tumama sa bansa na karaniwang tinatamaan ng 17 hanggang 20 bagyo kada taon.

Ayon kay weather forecaster Jori Loiz, alas-10 ng umaga nang mamataan si Nardo sa layong 290 km silangan ng Borongan City. Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kada oras malapit sa gitna. Inaasahang kikilos ito pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.

Sa ngayon si Nardo ay hindi pa makakaapekto ng direkta sa bansa dahil wala pang storm warning signals na naitaas at hindi rin inaasahang magla-landfall ito sa iba pang parte ng bansa.

Minomonitor pa rin anya nila ang senario na may ibang sirkulasyon ng mga ulap na maaring sumama kay Nardo at inaasahang makapagpapa­tindi sa lakas nito.

Ang monsoon trough aniya ang magdadala ng maulap na papawirin at mahinang pag-ulan sa ibang parte ng bansa.

Ang inaasahang dami ng ulan na ibabagsak nito ay mula 5-15 mm kada oras (katamtaman-matindi) sa loob ng 300 km diameter ng nasabing bagyo.

AYON

BORONGAN CITY

DINAGAT ISLANDS

GANAP

INAASAHANG

JORI LOIZ

MINOMONITOR

NARDO

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with