MANILA, Philippines - Binuksan ng Social Security System (SSS) ang calamity relief package nito na nagkakaloob ng maagang renewal ng salary loans at mabilis na house repair loan terms para sa mga miembro na sinalanta ng nagdaang bagyong Maring at habagat.
Ayon kay SSS Vice President May Catherine Ciriaco, officer-in-charge ng SSS Lending and Asset Management Division, ang relief package ay para sa mga miyembro na nakatira sa mga lugar na opisyal na naideklarang calamity areas tulad ng Bataan, Pampanga, Cavite, LaguÂna at Rizal gayundin sa mga lunsod ng Parañaque, Muntinlupa, Malabon, Marikina, Pasay gayundin sa Tarlac, Candon at Dagupan sa Luzon.
Ang mga miembro na sinalanta ng kalamidad ay maaaring sumailalim sa Salary Loan Early Renewal Program kung saan maaari nilang mai-renew ang kanilang existing saÂlary loan.
Sa ilalim naman ng SSS Direct House Repair o Improvement Loan ay babawasan ang annual interest rates ng may 2 percent mula sa regular SSS rates na 8% sa mga pautang na may halagang P400,000 o mas mababa rito at 9% para sa mas mataas na loans.
Ikatlo ay ang maagang pagpapalabas ng tatlong buwang halaga ng pension ng miembro para sa retirement, disability at death survivorship pensioners na nasa calamity areas.