^

Bansa

SSS may relief package sa mga binagyong miyembro

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binuksan ng Social Security System (SSS) ang calamity relief package nito na nagkakaloob ng maagang renewal ng salary loans at mabilis na house repair loan terms para sa mga miembro na sinalanta ng nagdaang bagyong Maring at habagat.

Ayon kay SSS Vice President May Catherine Ciriaco, officer-in-charge ng SSS Lending and Asset Management Division, ang relief package ay para sa mga miyembro na nakatira sa mga lugar na opisyal na naideklarang calamity areas tulad ng Bataan, Pampanga, Cavite, Lagu­na at Rizal gayundin sa mga lunsod ng Parañaque, Muntinlupa, Malabon, Marikina, Pasay gayundin sa Tarlac, Candon at Dagupan sa Luzon.

Ang mga miembro na sinalanta ng kalamidad ay maaaring sumailalim sa Salary Loan Early Renewal Program kung saan maaari nilang mai-renew ang kanilang existing sa­lary loan.

Sa ilalim naman ng SSS Direct House Repair o Improvement Loan ay babawasan ang annual interest rates ng may 2 percent mula sa regular SSS rates na 8% sa mga pautang na may halagang P400,000 o mas mababa rito at 9% para sa mas mataas na loans.

Ikatlo ay ang maagang pagpapalabas ng tatlong buwang halaga ng pension ng miembro para sa retirement, disability at death survivorship pensioners na nasa calamity areas.

vuukle comment

AYON

BINUKSAN

DIRECT HOUSE REPAIR

IMPROVEMENT LOAN

LENDING AND ASSET MANAGEMENT DIVISION

SALARY LOAN EARLY RENEWAL PROGRAM

SOCIAL SECURITY SYSTEM

VICE PRESIDENT MAY CATHERINE CIRIACO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with