MANILA, Philippines - Mananatili pa ring nakabukas ang ilang gate sa ilang pangunahing dams sa Luzon dahil sa mga pag-uulan pa ring nararanasan dulot ng habagat.
Sinabi ni Richard Ordenario, hydrologist ng Pagasa, mula kahapon ng umaga ay 2 gate ng Ipo dam sa Pangasinan ang nananatiling nakabukas gayundin ang 2 gate ng Ambuklao at Binga dam sa Bataan dahil sa patuloy na pagtaas ng water level doon dulot pa rin ng patuloy na pag-ulan.
Ayon kay Ordenario, kung magpapatuloy ang katamtaman hanggang malakas na pag-uulan doon ay malamang na abutin anya ng 2 hanggang 3 araw na nakabukas ang gate ng naturang mga dam hangga’t hindi bumababa ang water level dito.
“Yung Ipo dam may .6 meters ang overflow, yung Ambuklao ay 2 meters ang overflow at ang Binga ay 2.5 meters ang overflow kaya patuloy ang pagpapakawala ng tubig dito,†pahayag ni Ordenario.
Iniulat din nito na patuloy ang pag-overflow ng La Mesa dam na umaabot sa 12 cm at dahil wala naman anya itong gate kaya kapag sumobra ang laman nitong tubig ay tiyak ang pag-apaw ng tubig dito na babagsak sa Tullahan River sa QC.