^

Bansa

Napoles ok ilagay sa Red Notice List - DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinokonsidera ng Department of Justice ang pag­lalagay kay Janet Lim-Napoles sa Red Notice List ng Interpol.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang kanilang desisyon ay bunsod na rin ng patuloy na paghahanap ng mga otoridad kay Napoles na ipinaaresto ng Makati Regional Trial Court dahil sa kasong serious­ illegal detention. 

Sa oras na mailagay na ang isang akusado sa nasabing listahan, maaabisuhan ang may 190 bansang kasapi ng Interpol o International Criminal Police Organization­ na siya ay pinaghahanap sa Pilipinas. 

Gayunman, naniniwala si de Lima na wala pang indikasyon na nakalabas na ng bansa si Napoles. 

Posible umanong mahirapan ang negosyante na makapuslit sa ibang bansa dahil nakansela na ng Deparment­ of Foreign Affairs ang kanyang pasaporte.

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

FOREIGN AFFAIRS

INTERNATIONAL CRIMINAL POLICE ORGANIZATION

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

NAPOLES

RED NOTICE LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with