Karamihan ng pasok sa paaralan Martes na

MANILA, Philippines - Sa Martes na magbubukas ng klase ang kara­mihan ng mga paaralan sa Metro Manila at mga karatig lalawigan dahil na rin sa patuloy pang nararanasang man­aka-nakang malakas na pag-ulan na dulot ng hanging­ habagat sa kabila ng paglabas sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ng bagyong Maring.

Sa impormasyon na nakarating sa DepEd mula sa iba’t ibang local government units sa National Capital Region (NCR), wala pa ring pasok ngayong araw ng Biyernes­ ang ‘all level’ sa Marikina City, Makati City, Pasay­ City, Taguig City at Malabon.

Sa mga lalawigan ay all level ding walang pasok sa Laguna, Calumpit at Paombong Bulacan gayundin sa San Mateo, Rizal.

Pre-school hanggang high school namang walang pasok sa Valenzuela, Muntinlupa, Cainta, Rizal; Pa­teros­; Hagonoy, Bulacan at 1st district ng Las Piñas.

Ang mga Colleges at Universities naman na nagdeklarang wala pari ng pasok ngayon ay ang Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, Valenzuela Poly­technic College, PUP Laguna Campuses sa Sta. Rosa, San Pedro, Calauan; Mapua Institute sa Intramuros campus, Assumption College, Asia Pacific College, Saint Francis of Assisi College, FEU Manila at East Asia College.

Katwiran ng mga nag-anunsyo na nais nilang bigyang daan ang mga estudyante at mga eskwelahan para sa clearing operations matapos abutan ng baha ang mga silid-aralan.

Nabatid din sa DepEd na patuloy pang ginagamit ng mga evacuees ang maraming paaralan kaya hindi pa nakakapag-resume ng klase. Sa Lunes ay National Hero’s Day o holiday kaya sa Martes na ang balik-eskuwela ng mga estudyante.

 

Show comments