Target ng Albay: Top 10 sa NAT sa 2016
MANILA, Philippines - Matapos tumalon sa pang-19 na pwesto noong 2011, mula sa pang-177 sa 183 schools division noong 2007, target ng Albay ngayon ang lumanding sa Top 10 ng National Achievement Test (NAT) ng Department of Education (DepEd) sa 2016, ang katapusan ng ikatlong termino ni Albay Gov. Joey Salceda.
Ayon kay Salceda, ito ay bahagi ng kanilang pinagbubuting education program na pinaglaanan nila ng 32% ng buong badyet ng lalawigan. Kasama sa programa ang mga insentibo para sa mahuhusay na performance ng mga guro sa lahat ng antas.
Pinatataas ng Albay ang antas ng edukasyon sa lalawigan sa pamaÂmagitan ng Albay Higher Education Contribution Scheme (AHECS) at Education Quality for Albayanos (EQUAL), ang pinakamalaking scholarship program ng alinmang local government sa bansa na may 34,000 scholars.
Target din ng Albay na lumobo ang bilang ng college graduates nito sa 188,000 sa 2016 at “magkaroon ng kahit isang college graduate ang bawat pamilya.â€
- Latest