MANILA, Philippines - Magbibigay ng tulong ang Philippine ChaÂrity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga biktima ng bagyong Maring na ngayon ay nagpapagamot sa mga ospital ng gobÂyerno, sa ilalim ng Quick Response Program ng ahensiya.
Dahil sa pagsalanta ng bagyo, baha ang maraming lugar sa kalakhang Maynila at karatig-probinsiya, ay nasuspinde ang pasok sa mga paaralan at karamihan ng mga opisina noong Lunes at Martes. Ang ilang siyudad at proÂbinsiya ay nagdeklara na ng “state of calamity.â€
Ayon kay PCSO Chairman Margarita P. Juico, “Aming sineseguro sa mga taong direktang naapektuhan ng bagyong Maring na nagpapagamot sa mga pampublikong ospital na nakikipagtungo sa mga opisina ng PCSO na ang kanilang mga gastusin sa ospital ay sasagutin ng PCSO.â€
Sabi ni PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, ito ay “alinsunod sa mandato ng PCSO na magbigay ng tulong sa panahon ng pambansang kalamidad.†Upang ito’y ipatupad, dagdag niya na ang mga “pinuno at mga tauhan ng mga PCSO branches offices ay nakikipag-ugnayan na sa mga local government hospitals at clinics sa mga lugar na apektado ng bagyo.â€
Mamimigay rin ang PCSO ng mga FamiÂly Emergency Medicine (FEM) kits at bigas sa mga evacuation centers.
Ipinahahatid nina Juico at Rojas ang kanilang pagdamay sa mga pamilya ng mga naapektuhan ng bagyo at nangako na laging nariyan ang PCSO upang magbigay ng tulong medikal at pangÂkalusugan sa tao sa mga nasalantang lugar.
Kasama sina Dr. Ma. Isabel Vinteres at Dr. Zelda Ganancial, namigay ang PCSO ng damit, kumot, tuwalya, FaÂmily Emergency Medicine (FEM) kits at mga de lata, noodles, at bigas sa daan-daang biktima ng baha sa Cavite at Laguna.
Holiday ang Miyerkules dahil sa ika-30 taong kamatayan ni Ninoy Aquino, ngunit ayon sa Chairman, walang holiday sa PCSO.