MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng pamunuan ng National Parks and Development Committee (NPDC) na hanggang kahapon ng hapon (Agosto 21) ay wala pang lumulutang na personalidad o sinumang indibidwal na kabilang sa nakatakdang “Million People March†para mag-abiso o makipag-ugnayan sa idaraos na pagkilos sa Agosto 26, alas 9:00 ng umaga, sa Quirino Grandstand laban sa ‘pork barrel misuse’ at abolition nito na kumakalat sa social networking site.
Sa panayam kay Kenneth Montegrande, tagapagsalita ng NPDC, nag-iwan pa sila ng tauhan sa kanilang tanggapan para may makausap sakaling may pupuntang tao na may kinalaman sa nasaÂbing kilos-protesta. Gayundin, sila pa umano ang gumagawa ng paraan para makontak ang mga taong nasa likod ng pagkilos.
“Kami pa ang nag-eeffort na makontak sana sila dahil nababalitaan lang naming yun sa mga report. Sa programa nga sa DZMM, may nagpa-interview na hindi na nila kailangan ang permit kahit gaano karami ang sasali tulad ng EDSA people power. E, iba naman ang EDSA, kahit public place din ang Luneta tulad ng EDSA, hindi naman pwedeng ganun na lang. May management ang NPDC at mandato na pangalagaan ang Rizal Park, gagamit sila ng facilities dito, pano kung may biglang untoward incidents o may masira at maapektuhan yung mga namamasyal na mga bata at matatanda?†paliwanag ni Montegrande.
Sa kasalukuyan, wala pa umano silang hakbang kung dapat na silang humiÂngi ng assistance sa Manila Police District (MPD) at traffic bureau sakaling matuloy ang pagkilos lalo na’t milyong tao ang sinasabing dadalo, Hindi umano masasabing ‘pocket picnic lamang ang event dahil may intensiyon itong magsagawa ng kilos-protesta.
Nabatid na kumakalat sa social networking ang nasabing panawagan para isulong ang imbestigasyon sa mga mambabatas na nakinabang sa pork barrel na ipinamahagi sa bogus beneficiaries kaugnay sa pagkabunyag ng pork scam queen na si Janet Lim-Napoles.
Wala umanong particular na lider o orgaÂnizer ang Million People March na nagsimula sa Facebook post ng isang Ito Rapadas, isang music production manager, na umani ng simpatiya at pakikiisa sa ‘Netizens’ , di lamang sa bansa, kundi sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat.