Patay kay Maring: 16

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 16 katao ang nasawi, 41 ang sugatan habang lima pa ang nawawala sa bagyong Maring.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), umaabot sa mahigit 1 mil­yon ang mga residenteng naapektuhan sa malawakang pagbaha dulot ng habagat na pinalakas ng bagyo.

Tumaas sa 223,991 pamilya o 1,060,094 milyon katao ang naapektuhan sa 35 lungsod  at munisipalidad mula sa rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera at National Capital Region. 

Nasa P70M ang naging pinsala ng kalamidad, kabilang ang P56.582M sa imprastraktura at P10.181M sa agrikultura habang nasa 88 kalsada ang hindi pa madaanan sanhi ng mataas pa rin ang tubig baha.

Show comments