^

Bansa

Habagat patuloy ‘Maring’ lumabas na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagamat lumabas na ng bansa ang bagyong Maring ganap na alas 7:00 ng umaga kahapon, patuloy namang pinaiigting ng naturang bagyo ang habagat na siyang nagpapa-ulan sa ngayon sa maraming lugar sa bansa kasama na ang Luzon at Metro Manila.

Ayon sa Pagasa, alas-11 ng tanghali kahapon, namataan si Maring sa layong 500 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng ha­nging 500 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hanging 135 kilometro bawat oras.

Si Maring ay kumikilos pa timog kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Kahit lumabas na ng bansa patuloy nitong pinalalakas ang hanging habagat na nagpapaulan sa Luzon kasama na ang Metro Manila gayundin sa Central Visayas.

Katamtaman naman ang pag-uulan sa kanlurang Visayas at sa Mindanao dulot naman ng thunderstorms.

Pinag-iingat ang mga residenteng nakatira sa mga binabahang lugar sa landslides at flashfloods dahil sa patuloy na pag-uulan.

Bawal din pumalaot ang maliliit na bangka sa mga dalampasigan dahil sa malalaking alon.

 

AYON

BAGAMAT

BATANES

BAWAL

CENTRAL VISAYAS

ITBAYAT

LUZON

METRO MANILA

SI MARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with