MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Franklin Drilon na nagkasundo ang mayorya ng mga senador na huwag munang gamitin ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel fund hangga’t walang mahigpit na panuntunan na nabubuo kaugnay sa paggamit ng pondo.
Kasabay ito ng utos ni Pangulong Aquino na suspindihin muna ang pagpapalabas ng pork barrel dahil may ginagawa ng imbestigasyon ang DOJ at Senado.
Ayon kay Drilon, isang resolusyon ang ipapasa sa Senado tungkol sa paggamit ng PDAF. Ang nasabing resolusyon ay isang “collective decisions†ng mga senador sa majority bloc.
Ang executive branch ng gobyerno ang inaasahan ng mga senador na magpapalabas ng mahigpit na guidelines tungkol sa paggamit ng PDAF.
“The majority senators’ decision to adopt the resolution is a manifestation of their interest in making the use of the PDAF more transparent and open for scrutiny of the public that will help prevent the abuses and inadequacies which were observed in the Commission on Audit report,†pahayag ni Drilon.
Layunin din ng hakbang na magkaroon ng tunay na reporma sa paggamit ng pork barrel fund upang matiyak na hindi napupunta ang pera sa korupsiyon.
Sinabi pa ni Drilon na hahayaan nila ang Department of Budget and Management na magbuo ng istrikto at mas epekÂtibong panuntunan sa pagpapalabas ng PDAF.
Naging malaking isyu ang paggamit ng PDAF matapos mabunyag na nasa P10 bilyong pondo ang napunta lamang sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organizations na balak na ring imbestigahan ng Senado.