‘Maring’ nananatili ang lakas, kumikilos pahilaga

MANILA, Philippines - Nananatili ang lakas ng bagyong Maring habang ito ay kumikilos pahilaga.

Alas-11 ng umaga ka­­hapon, si Maring ay namataan ng Pagasa sa layong 595 kilometro sila­ngan hila­gang silangan ng Itbayat, Ba­tanes  taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.

Si Maring ay kumikilos pahilaga sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Ngayong Miyer­ko­les, si Maring ay inaa­sahang nasa la­yon­g 460 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes at sa Huwebes ng umaga ay nasa layong 560 kilometro ng hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng bansa.

Patuloy pa rin na ma­raranasan ang mga pag-uulan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil na rin sa bagyo at sa epekto dito ng habagat kayat ang lahat ng mga nakatira dito ay patuloy na pinag-iingat.

Show comments