9 patay kay Maring
MANILA, Philippines - Lumobo na sa 9 katao ang naitalang nasawi, apat ang nawawala habang mahigit naman sa 600,000 ang mga residenteng naapektuhan sa matinding pagbaha na dulot ng habagat at bagyong Maring.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, sinabi ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario na panibagong nadagdag sa talaan ng mga nasawi sanhi ng pagkalunod ay isa sa Mariveles, Bataan; isa sa Lubao, Pampanga; isa sa Malolos City, Bulacan at isa pa sa Minalin, Pampanga.
Nasa 11 katao naman ang nasugatan siyam rito ay sa aksidente sa Cabugao, Apayao; dalawa sa Binangonan, Rizal habang apat pa ang nawawala na tig-iisa mula sa Tubo, Abra; isa sa Bontoc, Mt. Province; isa sa Sagada, Mt. ProÂvince at isa naman sa Tanza, Cavite.
Ayon sa opisyal, umaÂÂÂabot naman sa 125,024 pamilya o kabuuang 60,114 katao ang naapekÂtuhan ng kalamidad sa Regions 1, 3, IV-A, IV-B, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region.
Sa mga naapektuhan, nairekord sa 9,153 pamilya o 90,458 katao ang kinakanlong sa mga evacuation centers habang nasa 19,140 o 90,458 ang nakituloy naman sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na naninirahan sa matataas na lugar.
Iniulat rin na nasa 64 mga kalsada sa Regions III, IV-A, IV-B, V, CAR at NCR ang hindi pa rin madaanan ng mga behikulo dahilan sa sobrang taas ng tubig baha.
Hindi rin madaanan ang isang tulay sa Mt. Province habang apat na pagkawala ng kuryente ang naitala sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Sa kasalukuyan nasa 347 pa ring mga lugar sa 42 munisipalidad at lungsod sa Regions 1, III, IV-A, IV-B at NCR ang lubog pa rin sa baha.
Samantala kanselado rin ang 162 biyahe ng eroplano dahil sa kalamidad kung saan binaha ang mga highway patungo sa Ninoy Aquino International Airport.
Nasa 147 mga pasahero, siyam na behikulo, 11 rolling cargos at 18 bangkang de motor ang stranded sa pantalan ng Bicol at Northeastern Luzon.
Nasa 32 mga bahay naman ang napinsala ng kalamidad, 17 dito ang tuluyang nawasak at 15 ang nagtamo ng pinsala sa Regions III, IV-A at CAR.
Patuloy naman ang pamamahagi ng mga relief good sa mga binahang residente. (Dagdag ulat ni Butch Quejada)
- Latest