MANILA, Philippines - Nananatili sa kanyang lakas ang bagyong “MaÂring†habang tinatahak nito ang Silangan ng Itbayat, Batanes kahapon ng umaga.
Ayon kay Conie Dadibas, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) namataan ang mata ng bagyong si ‘Maring sa layong 575 kilometro ng Silangan ng Itbayat, Batanes dakong-11:00 ng umaga kahapon.
Nabatid sa PAGASA na si ‘Maring’ ay may lakas ng hangin na 75 kilometro bawat oras (KPH) at bugso ng hangin na aabot hanggang 90 kilometro bawat oras (KPH).
Sinabi ni Dadibas, posibleng lumabas ng bansa ang bagyong ‘Maring bukas ng gabi o sa umaga ng Huwebes.
Idinagdag pa ng PAGASA na inaasahang patuloy na makakaranas ng pag-ulan ang buong bansa dala ng Hanging Habagat.