MANILA, Philippines - Mahigpit nang ipagbabawal ang pagpiprisinta sa publiko ng mga pinaghihinalaang criminal.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 324 na inihain ni Pampanga Rep. Joseller “Yeng†Guiao.
Layunin ng panukala na masigurong nababantayan ang karapatan na “Constitutional presumption of innocence†ng isang taong pinaghihinalaang nakagawa ng krimen.
Giit ni Guiao, nakagawian na ng pulisya na iprisinta sa publiko sa pamamagitan ng isang press conference ang mga hinihinalang criminal o suspek.
Hindi naman sakop ng panukala ang mga suspek na nakatakas o may warrant of arrest samantalang maaari naming ipalabas sa publiko ang pangalan at litrato ng suspek para sa agarang pagkakaaresto ng mga ito.
Sa ilalim ng panukala, papayagan din na magkaroon ng media interview sa suspek kapag pumayag ito o may written consent kasama ang abogado pero hindi naman maaaring magsagawa ng interview kapag walang abogadong kasama o kung isinuko ng suspek ang karapatang ito.